University of Calgary
UofC Navigation

Talambuhay

Jürgen M. Meisel

Si Jürgen M. Meisel ay isang Emmeritus Propesor ng Romance Lingusitics sa Unibersidad ng Hamburg (Germany), Adjunct Professor sa  Departamento ng Lingguwistika, Wika at Kultura at Distinguished Fellow sa Sentro ng Pananaliksik sa Wika (Language Research Centre) sa Unibersidad ng Calgary. Noong 2004,iginawad sa kanya ang honorary doctorate ng Faculty of Humanities, Lund University (Sweden). Pinangasiwaan niya ang Sentro ng Pananaliksik sa Multilingualismo sa Unibersidad ng Hamburg mula ng ito’y buksan noong 1999 hanggang 2006 at siya ang unang editor ng pahayagang Bilingualism: Language and Cognition. Ang kanyang mga pangunahing pananaliksik ay ang pagtatamo ng unang lengguwahe bilang bilingual, pangkaraniwang pagtatamo ng pangalawang lengguwahe ng mga bata at mga matatanda, palaugnayan ng mga lengguwaheng Romance, at makasaysayang lingguwistika. Sa mahigit na 30 taon, siya ay napabilang sa nagbibigay-payo sa mga daycare centres para palakihin ang mga bata na nagsasalita ng dalawang wika (bilingual).

 

Si Dr. Rahat Naqvi ay Associate Propesor ng Pagtuturo ng Pangalawang Wika sa Faculty ng Edukasyon sa Unibersidad ng Calgary. Siya ay nagkamit ng PhD sa Didactics of Languages and Cultures mula sa Université de la Sorbonne, Paris. Nakapagturo na siya sa iba’t ibang bansa kabilang na ang National Institute for Oriental Languages, Université de la Sorbonne, Paris at kamakailan lamang sa Unibersidad ng Hamburg in Hamburg, Germany. Si Dr. Naqvi ay Associate Director ng Sentro ng Pananaliksik sa Wika sa Unibersidad ng Calgary.  Ang kanyang punto ng pagkadalubhasa ay pagtuturo sa wika  at karununungan sa pagbabasa’t pagsusulat, mga isyu sa pagkakakilanlan at lumilitaw na karunungan sa pagbabasa’t pagsusulat. Noong 2009, si Dr. Naqvi ay napiling lumahok sa prestihiyosong International Visitor Leadership Program na itinaguyod ng US State Department.